MY THOUGHTS ABOUT CHEATING

4:07 AM


Cheating

Iba-iba ang definition natin sa salitang "cheat". Sa iba ang pagtingin ng BF/GF nila sa iba (Paglingon o pagtingin kapag may dumaan o may nakitang maganda o gwapo) ay cheating na pero sa iba naman ay hindi dahil para sakanila ay normal lang iyon. Sa iba ang pagiging malapit ng BF/Gf nila sa opposite sex ay cheating na pero sa iba naman ay hindi as long as no emotions involved.

Para sa akin, ang cheating ay nagsisimula sa oras na magsinungaling ka na sa partner mo. Isang rule sa relasyon ang pagsasabi mo ng totoo, kailangan open kayo sa isa't-isa dahil duon mas tatatag ang relasyon niyo at duon niyo mas lalong makikilala ang isa't-isa. Sa oras na magsinungaling ka na sakanya, hindi imposible na ulitin mo ulit 'yon.

Naisip ko, bakit nga ba nag chi-cheat ang tao sa partners nila?

PAGKUKULANG. Isa 'yan sa madalas kong marinig na dahilan. Kesyo hindi na siya sweet sa'yo, hindi na siya maalaga at hindi na siya masayang kasama. Sabi nga ng isa kong kaibigan, "Ang pagkukulang ay dapat pinupunan." Tama naman 'yon eh, ang problema lang sa ibang tao mo hinanap 'yong pupuno ng pagkukulang ng BF/GF mo na dapat kung sino ang nagkulang ay siya din dapat pupuno. Lahat naman ng tao nagbabago, pwedeng ganito siya ka-sweet ngayon pero pagtagal ay hindi na pero lahat may dahilan. Pwedeng problemado siya o pagod sa trabaho/school, maraming pwedeng maging dahilan. Ang kailangan mo lang ay magtanong, maging open ka sakanya. Sabihin mo ang totoo at nararamdaman mo. Kung mahal ka naman talaga niya, pupunan niya 'yong pagkukulang niya. Gagawa siya ng paraan para mag work ang relasyon niyo pero hindi lang dapat siya ang kikilos kung hindi ikaw, hindi mo alam may pagkukulang ka na din sakanya pero iniintindi na lang niya. Maging open kayo sa isa't-isa. Kung wala na talaga at hindi na kayang isalba ang relasyon, mas mabuti na maghiwalay na lang kayo kaysa lokohin at saktan niyo ang isa't-isa.

TAKING YOUR BF/GF FOR GRANTED. Minsan o sabihin natin na madalas kapag alam mong mahal na mahal ka ng partner mo, nawawala 'yong takot mo na gumagawa ng kasalanan kasi alam mo naman na sa huli, papatawarin at papatawin ka din niya. Alam mo sa sarili mo na hindi ka niya iiwan, na sa isang sorry mo lang ay okay na ang lahat. Narinig ko na din 'yong linya na "Okay lang 'yan, kapag nalaman naman ng GF ko 'yon papatawarin pa din niya ako, mahal na mahal ako non, eh." Kaya siguro 'yong iba nagagawang mag cheat dahil alam nila sa huli, magiging maayos din ang lahat. Ganon nga ba talaga? Lahat ng bagay may limitasyon at pati tayong tao. Maaring sa ngayon okay lang sakanya na i-take mo siya for granted pero darating din ang panahon na matatauhan siya at sa panahon na 'yon wala ka nang babalikan pa at hindi mo na masasabi ang linya mo na "Hindi siya makikipag-hiwalay sakin, mahal ako non."

HINDI MO TALAGA SIYA MAHAL. Simple lang naman, eh. Kung talagang mahal mo siya hindi ka gagawa ng bagay na makakasakit sakanya. Bago ka gumawa ng kasalanan o panloloko maiisip mo siya, kung ano bang mararamdaman niya sa gagawin mo. Oo, hindi naman talaga maiiwasan na magkasakitan kayo ng BF/GF mo pero 'yon 'yong nga bagay na hindi mo ma-kontrol. Cheating is a choice. Pwedeng pwede mong pigilan 'yon dahil sabi nga nila, kung gusto may paraan pero kung ayaw madaming dahilan.

Uulitin ko, cheating is a choice. Choice mo kung hahayaan mo ang sarili mo na mahulog iba kahit na alam mong committed ka. Choice mo kung makikipag-landian ka sa iba kahit na committed ka. Sa una pa lang naman may choice ka na umiwas, eh pero nasasayo na 'yon kung gagawin mo o hindi. Hindi ka dapat sa karma matakot kung hindi sa thought na pwedeng mawala sa'yo 'yong taong mahal mo.


You Might Also Like

33 comments

  1. 😍😍😍 i love it.. pa accept naman po, rommela bance po

    ReplyDelete
  2. Hi Ms.queen nainspire po ako at naka relate sa blog nyo. :)

    ReplyDelete
  3. Haha galing niyo po idol😚❤❤👍

    ReplyDelete
  4. Very nice Queen Tina 😍❤️ Ikaw na ang Queen 😍👑

    ReplyDelete
  5. Grabe ikaw na talaga Queen tina

    ReplyDelete
  6. Grabe ikaw na talaga Queen tina

    ReplyDelete
  7. love you and the books Queen Tina😽

    ReplyDelete
  8. Awh. . .Idol talaga kita Queen Tina ��❤!
    Ang galing mo po !���� *Slow clap*

    ReplyDelete
  9. Hello ate tina! musta na? haha. While reading this topic, naalala ko yung cheating days ni jeydon kay candice, And nung naalala ko yun, naalala ko na hindi pala talaga dapat hindi natin pangunahan yung feelings ng iba. They have their rights, and in some way mabibigay natin. So, dahil sa post mo, may narealize ako. Thank you :*

    ReplyDelete
  10. Sa isang relasyon kailangan talaga ng trust. Ang ganda ng ng blog na to andami kong narealize.

    ReplyDelete
  11. Wawww... Hi miss A.☺️ Pwede din po ba ako magpaadd?������

    ReplyDelete
  12. Queen happy bday po! And paadd naman po sa fb Bianca Janelle Anas! Thank you po!

    ReplyDelete
  13. LIKE IT!!!! PAfollow din po sa wattpad Ashley142004 po!!! Ive read your books all of it actually ^3^

    ReplyDelete
  14. Ang galing! Isa ka talagang alamat queen Tina! Nabasa ko na po lahat mg story mo sa wattpad at kasalukuyang naghihintay nalang po ako ng update. Ikaw po talaga ang idol kong author���� sana po maging friends tyo sa fb huhuhu. I love you queen Tina�� More blessings to come! And stories din ����

    ReplyDelete
  15. Pa add po queeeeen tinaaaaa pleaseeee. Gusto po talaga kitang imaging friend huhuhu. (Clarriza De Guzman) please poo.

    ReplyDelete
  16. I realy really love it! 😍😍 very inspirational👏🏻👏🏻

    ReplyDelete
  17. Wah!ANG GALING NYO PO TALAGA KAHIT SAAN PO ANG GALING MO PO SURE AKO NA PROUD NA PROUD YUNG FAMILY MO SAYO

    Pa add na rin po...kayo po yung rason kung bakit gustong gusto ko na magsulat sa wattpad...Eto po yung fb ko pa add please Natalie Stypayhorlikson

    ReplyDelete
  18. Hello! Ate Tina! Galeng! Walang kupa

    ReplyDelete
  19. Noticeeeeee me ate tine nawa'y mabahagian mo ako ng iyong kagalingan sa pag susulat more power ate tine 💖

    ReplyDelete
  20. @.:hi ate tina! can you greet my friend named Jenylyn Concepcion. Today is her birthday po and she really love your works po! thank you in advance:)

    ReplyDelete
  21. What is the difference between casino games and slots?
    Slot games are the most popular types of casino https://tricktactoe.com/ games, and gri-go.com the majority are slots. and wooricasinos.info the most https://vannienailor4166blog.blogspot.com/ commonly played slot poormansguidetocasinogambling.com games.

    ReplyDelete

Subscribe