Cheating
Iba-iba ang definition natin sa salitang "cheat". Sa iba ang pagtingin ng BF/GF nila sa iba (Paglingon o pagtingin kapag may dumaan o may nakitang maganda o gwapo) ay cheating na pero sa iba naman ay hindi dahil para sakanila ay normal lang iyon. Sa iba ang pagiging malapit ng BF/Gf nila sa opposite sex ay cheating na pero sa iba naman ay hindi as long as no emotions involved.
Para sa akin, ang cheating ay nagsisimula sa oras na magsinungaling ka na sa partner mo. Isang rule sa relasyon ang pagsasabi mo ng totoo, kailangan open kayo sa isa't-isa dahil duon mas tatatag ang relasyon niyo at duon niyo mas lalong makikilala ang isa't-isa. Sa oras na magsinungaling ka na sakanya, hindi imposible na ulitin mo ulit 'yon.
Naisip ko, bakit nga ba nag chi-cheat ang tao sa partners nila?
PAGKUKULANG. Isa 'yan sa madalas kong marinig na dahilan. Kesyo hindi na siya sweet sa'yo, hindi na siya maalaga at hindi na siya masayang kasama. Sabi nga ng isa kong kaibigan, "Ang pagkukulang ay dapat pinupunan." Tama naman 'yon eh, ang problema lang sa ibang tao mo hinanap 'yong pupuno ng pagkukulang ng BF/GF mo na dapat kung sino ang nagkulang ay siya din dapat pupuno. Lahat naman ng tao nagbabago, pwedeng ganito siya ka-sweet ngayon pero pagtagal ay hindi na pero lahat may dahilan. Pwedeng problemado siya o pagod sa trabaho/school, maraming pwedeng maging dahilan. Ang kailangan mo lang ay magtanong, maging open ka sakanya. Sabihin mo ang totoo at nararamdaman mo. Kung mahal ka naman talaga niya, pupunan niya 'yong pagkukulang niya. Gagawa siya ng paraan para mag work ang relasyon niyo pero hindi lang dapat siya ang kikilos kung hindi ikaw, hindi mo alam may pagkukulang ka na din sakanya pero iniintindi na lang niya. Maging open kayo sa isa't-isa. Kung wala na talaga at hindi na kayang isalba ang relasyon, mas mabuti na maghiwalay na lang kayo kaysa lokohin at saktan niyo ang isa't-isa.
TAKING YOUR BF/GF FOR GRANTED. Minsan o sabihin natin na madalas kapag alam mong mahal na mahal ka ng partner mo, nawawala 'yong takot mo na gumagawa ng kasalanan kasi alam mo naman na sa huli, papatawarin at papatawin ka din niya. Alam mo sa sarili mo na hindi ka niya iiwan, na sa isang sorry mo lang ay okay na ang lahat. Narinig ko na din 'yong linya na "Okay lang 'yan, kapag nalaman naman ng GF ko 'yon papatawarin pa din niya ako, mahal na mahal ako non, eh." Kaya siguro 'yong iba nagagawang mag cheat dahil alam nila sa huli, magiging maayos din ang lahat. Ganon nga ba talaga? Lahat ng bagay may limitasyon at pati tayong tao. Maaring sa ngayon okay lang sakanya na i-take mo siya for granted pero darating din ang panahon na matatauhan siya at sa panahon na 'yon wala ka nang babalikan pa at hindi mo na masasabi ang linya mo na "Hindi siya makikipag-hiwalay sakin, mahal ako non."
HINDI MO TALAGA SIYA MAHAL. Simple lang naman, eh. Kung talagang mahal mo siya hindi ka gagawa ng bagay na makakasakit sakanya. Bago ka gumawa ng kasalanan o panloloko maiisip mo siya, kung ano bang mararamdaman niya sa gagawin mo. Oo, hindi naman talaga maiiwasan na magkasakitan kayo ng BF/GF mo pero 'yon 'yong nga bagay na hindi mo ma-kontrol. Cheating is a choice. Pwedeng pwede mong pigilan 'yon dahil sabi nga nila, kung gusto may paraan pero kung ayaw madaming dahilan.
Uulitin ko, cheating is a choice. Choice mo kung hahayaan mo ang sarili mo na mahulog iba kahit na alam mong committed ka. Choice mo kung makikipag-landian ka sa iba kahit na committed ka. Sa una pa lang naman may choice ka na umiwas, eh pero nasasayo na 'yon kung gagawin mo o hindi. Hindi ka dapat sa karma matakot kung hindi sa thought na pwedeng mawala sa'yo 'yong taong mahal mo.